Currently set to Index
Currently set to Follow

Paano Pinoprotektahan ng mga Online Casino ang Sarili Nila mula sa Money Laundering

Papaano matitiyak ng mga casino na malalabanan nila ang money laundering? Makikita natin ang ilan na mga paraan kung paano nila ito gagawin.


Mayroong mga daan-daan, kung hindi mga libu-libo, na mga online na casino tulad ng GGbet casino. Ang mga naturang mga casino na ito ay may mga lisensya, at sila ay pinapayagan na kumuha ng mga enhinyerong manlalaro mula sa maraming mga bansa. Dahil dito, sila ay maaaring magamit na kanlungan para sa money laundering.

 

Isang halimbawa ay, ang mga tao ay maaaring magdeposito ng malalaking mga halaga ng pera sa balanse nila sa casino at pagkatapos ay basta na lang nilang i-withdraw sa susunod na mga araw. Hinding-hindi malalaman ng mga bangko na ang mga pera na iyon ay illegal sa umpisa pa lamang.

Kaya, papaano matitiyak ng mga casino na malalabanan nila ang money laundering? Makikita natin ang ilan na mga paraan kung paano nila ito gagawin.

Alamin ang Iyong mga kustomer

Lahat ng mga institusyon na pampinansyal, o iyong mga nagpapadali ng mga pinansyal na transaksyon, ay dapat na sumunod sa mga karaniwang protocol kapag sila ay magpapasok ng mga customer. Ang prosesong ito ay tinaguriang Know Your Customers o KYC.

Sa KYC, ang mga institusyon, kabilang na ang mga operator ng website ay kinakailangang kumuha ng wastong dokumento ng pagkakakilanlan ng mga consumer o mga user. Ang tamang pagkakakilanlan ay dapat tumugma sa pangalan na nasa credit card, debit card, o bank account na ginagamit ng mga consumer o mga user tuwing sila ay naglalaro.

Dahil sa panuntunan na ito, ang mga money launderer ay malamang na magkaroon ng pag-aalinlangan sa takot na sila ay makilala. Tulad ng alam natin, na ang mga mga gumagawa ng krimen ay gustong magtago sa dilim at laging umiiwas sa anumang anyo ng pagkakalantad ng kanilang mga pagkakakilanlan.

Ang proseso ng KYC ay may sistema sa pag-uulat. Kapag walang pagpapatunay na tunay ang mga dokumento ng isang tao, ang casino ay dapat na mag-ulat. Ganoon din kapag ang mga dokumento ay mayroong hindi pagkakapare-pareho, tulad ng hindi pagtutugma ng mga unang pangalan o ng mga huling pangalan.

Read more  Top 5 Things to Do After an Accident

Isa pang kahina-hinala na mayroong hindi tama na tinitingnan ng mga casino ay ang isang peke na dokumento. Mayroong mga paraan ang mga casino na patunayan kung ang isang manlalaro ay nagsumite ng isang lehitimo o hindi lehitimo na government ID.

Paghahain ng mga kahina-hinala na mga ulat ng aktibidad

Ang Suspicious Activity Reports o SARs ay mga ulat na nakakapansin ng mga transaksyon na higit pa sa halagang 5,000 na dolyar. Ang panuntunan na ito ay partikular sa USA. Ang mga casino ay dapat na maghain ng isang SAR sa Financial Crimes Enforcement Network kapag ang isang manlalaro ay nanalo o nagdeposito ng halagang 5,000 na dolyar.

Ang susi dito ay ang salita na “hindi karaniwan.” Hindi naman lahat ng mga transaksyon na nagkakahalaga ng 5,000 na dolyar pataas ay illegal. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring nanalo ng halagang 5,000 na dolyar sa kabuuan, mula sa paglalaro ng blackjack o mga slot, sa kasong ito ay hindi naman siya matatawag na “hindi karaniwan.”.

Ang mga casino ay dapat din na mag-ulat ng mga transaksyon sa pera na higit pa sa halagang 10,000 na dolyar. Kapag ang isang kustomer ay nagdeposito ng higit pa sa hangganan na iyon, ang casino ay inaasahan na maghain ng isang ulat. Susuriin ng nagpapatupad na pamamahalaan ang mga detalye at sila ay gagawa ng naangkop na aksyon.

Mayroong ilang mga money launderer na maaaring makalusot sa paraan ng KYC. Kapag ito ay nangyari, ang launderer ay magdedeposito ng napakalaking halaga ng pera sa casino at hindi manghihinayang na mawalan ng pera sa mga laro. Ganoon pa man, gagamitin nila ang sitwasyon na ito bilang isang paraan upang “hugasan” ang kanilang pera.

Sila ay maghahain ng ulat sa mga bangko na ang per ana kanilang idinideposito ay “mga panalo sa casino.” Ni hindi pa nga nila kinakailangan na magpakita ng ulat mula sa casino.

Mahigpit na mga panuntunan para sa pamamahala

Ang bansang Australya ay mayroong sariling namumunong katawan upang labanan ang money laundering. Ang mga tumatanggap ng mga manlalaro ng Australya ay kinakailangang sumunod sa mga patakaran na ito.

Read more  Major Global Events Cancelled Due to COVID-19

Ang mga customer ay dapat na ma-verify hangga’t maaari  sa pinakamaikling panahon upang maiwasan na gumawa ang mga kriminal ng mga huwad na pagkakakilanlan. Mayroon ding pagbabawal sa mga tuntunin sa limitasyon sa pangungutang. Ang limitasyon sa pangungutang ay tumutukoy sa halaga ng pera na maaaring utangin sa casino ng isang manlalaro.

Ang mga nagseserbisyo sa mga manlalaro ng Australya ay dapat din na tiyakin na hindi sila nag-aalok ng katawa-tawang mga insentibo, tulad ng libreng pera. Kapag nagsasara ng isang account, ang casino ay dapat ding sumunod sa partikular na mga kundisyon. Ang casino ay dapat din na magbigay ng mga regular na ulat o mga pahayag sa paglalaro sa kanilang mga customer.

Ang panghuli, ang mga casino ay dapat na maging alerto sa pagtuklas ng kahina-hinalang mga aktibidad. Ang isang halimbawa nito ay ang paggamit ng maraming mga bank account na nagmumula sa iba’t-ibang mga bansa. Kapag ang isang manlalaro ay gumagawa ng ganito, ang casino ay inaasahan na itataas ang alarma at iuulat ito sa pinansyal na  sektor ng namamahala ng casino.

Buod

Ang bawat online na casino ay mayroong lisensya mula sa isang bansa upang ito ay gumana. Halimbawa, ang isang online casino ay maaaring kumuha ng lisensya sa pagpapatakbo mula sa UKGC. Sa isang kaso na ganito, ang casino ay dapat sumunod sa mga batas ng UK Anti-Money Laundering.

Lahat ng kanilang mga manlalaro, kahit saan man na bansa sila nakatira, ay kailangang sumunod sa mga batas na ito.

Kapag ang isang casino ay mayroong lisensya na magpatakbo mula sa iba’t-ibang mga estado o mga bansa, kailangan pa rin nilang sumunod sa iba’-ibang mga patakaran. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat magtaka ang isang manlalaro kung ang iba’t-ibang mga casino ay mayroong iba’t-iba ring inaasahan at pangangailangan mula sa mga manlalaro.

Share via


Like it? Share with your friends!

75
75 points

Paano Pinoprotektahan ng mga Online Casino ang Sarili Nila mula sa Money Laundering

Send this to a friend